Sunday, February 21, 2010

iglap...

magdamag naghihintay ng tawag mo. dati kasi panay ang pakikipagkwentuhan sayo. ngunit ngayon ay nagbago. di ko alam ang dahilan. malamang ako'y pinaglaruan lang. naniwala lang naman ako sayo. nagbakasakaling ikaw ay totoo. at hanggang ngayon ikaw ang nasa isip. pilit kong iniintindi kung bakit naglaho ang isang panaginip.

hawak hawak lamang ang iyong kamay. naglalakad ng sabay-sabay.yakap mo na mahigpit. pilit ng kinakalimutan. sinabi ng mga dapat ngunit... naniwala lang naman ako sayo. nagbakasakaling ikaw ay totoo. at hanggang ngayon ikaw ang nasa isip. pilit kong iniintindi kung bakit naglaho ang isang panaginip.

No comments:

Post a Comment