di ko alam kung pano simulan ang aking unang entry dito sa bago kong blog.. matagal ko na tong ginawa pero wala akong maisulat. pero nung ako ay nag punta sa luzon biglang ang utak ko'y gumana. namiss ko pagsusulat kahit na di ako magaling at minsan mali-mali pa grammar ko. lalo na sa tagalog. baka ikaw ay nagtataka kung bakit ako ay nagtatagalog. feel ko lang 'to.. total ang entry na ito ay nangyari naman sa luzon..
sa di inaasahang pangyayari ang aking pinsan na si cherry mae perez ay pumanaw noong pebrero 9,2010.. inatake kasi xa ng asthma. lahat kami ay nagulat nang matanggap namin ang balitang ito. masyado pa siyang bata para iwan kami. di namin inaasahan na ganun na lang kaikli ang buhay niya dito sa mundo.
at dahil dito nagdesisyon ang nanay ko na pumunta kami sa maynila at makiramay sa mga kapamilya namin doon.
konti lang naman nangyari while i was there pero marami akong naisip. di ko alam at bakit ganun ako mag isip sa time na un. parang napaka philosophical ko.. hehe..
natutunan ko na all you have is your family when everyone else is absent. kahit san ka magpunta o ano mangyari sayo ang taong maghahanap o mag-aalala sayo ay ang iyong pamilya. sila ang karamay mo in good times and in bad. whether u like it or not wala silang magagawa. kasali sa kontrata un bilang isang miyembro ng pamilya.
ng pauwi kami galing sa funeral home ang aking tiya lita (aka lola ko, kapatid ng lolo ko, ayaw magpatawag ng lola kaya tiya na lang, looks a lot like mommy D)ay bumanat. kasi nag uusap kami lahat tungkol sa valentines day. feb13 kasi un. e matandang dalaga siya. sabi niya "basta ako isa lang puso ko. naibigay ko na" ng sinabi niya un naghiyawan kaming lahat sa koche. alam kasi namin ang love story niya. pagkatapos nun i was stuck in my own little world. di ko na pinansin kung ano pinag usapan nila. napa isip ako. natakot. ayoko maging tulad ng tiya lita ko. ayoko maging matandang dalaga. masyadong close minded. pero di ko rin siya masisisi. iba kasi pakiramdam pag nagmahal ka ng totoo. pero sana gamitin minsan ang utak. hindi ung puro puso at emosyon na lang. mahirap ung ganun. i for one can testify to that. sana kahit nag iisa lang puso ko matuto ako mag mahal ng iba. natatakot ako maging matandang dalaga. and when i was back to my senses naririnig ko na lang mga pinsan ko inaasar ang tito kong babaero. di ko namalayan malapit na pala kami sa bahay.
nung nasa antipolo na kami para ihatid si che2 sa kanyang huling hantungan di ko naisip na huli na talaga yun. nagpalipad kami ng balloons. nagsalita mama ko at iba pa naming kamag-anak. nung nagsalita na si mark, boyfriend ng isang pinsan ko na close friend din ni che, un na ung time na sobrang lungkot na namin. lalo na nung kinanta niya ung 'say goodnight' by bullet for my valentine.. ung acoustic version.. dun na kami nag iyakan ng walang humpay.. ang dad ni che sumigaw na. iyakan na lahat ng tao. kahit na alam ko ang plan of salvation di ko mapigil na maluha at malungkot sa pagkakawala sa aking pinsan. wala na kaming magagawa kundi tanggapin ang pangyayari. ganun talaga ang buhay. papunta tayo lahat dun.. kamatayan.. inisip ko kung ako ung mamamatay.. may iiyak kaya? may malulungkot kaya? hindi ko alam ang sagot. naisip ko lang un.
the following days palagi nagpaparamdam ang pinsan kong si che sa mga tita at ibang pinsan ko. pero sakin hindi. hiningi ko kasi sa kanya na wag mag paramdam sakin kasi matatakutin ako. mabuti naman at naintidihan niya un. di niya ko binisita. pero palagi ko siyang naiisip. sinasabi ko sa kanya na i.hi na lang ako kay lolo namin.. till we meet again pinsan..
condolence chic.. yup when my lola died, wa xa nagpakita sa ako.a pud hehehe but its ok at least u have insights to these things na ^^
ReplyDeleteyeah.. thanks chez.. ^_^
ReplyDelete